Sabi ng iba "what you wear is who you are", I disagree with that thought. Kasi paano naman yung mga taong mahilig mag-experimento sa kanilang damit? O yung mga tao na kinakailangan isuot ang isang uri ng damit dahil parte ito ng kanilang trabaho? tulad ng mga models o kaya yung mga promo girls. Hindi ba't ang babaw naman ata na huhusgahan agad natin ang isang tao base lamang sa panlabas na anyo or worst pa nga sa kung ano ang kanyang suot na damit? Para ka na ding nagjudge ng book base sa cover nito.
Karamihan kasi sa atin, kapag nakita natin yung isang babae na nakasuot ng medyo daring na damit tulad ng shorts or mini skirts, pinuputakte na agad natin yung tao ng panghuhusga at panlalait. Gaano kababaw yun diba? DAMIT lang yun ah. Suot lang niya, pero panigurado may magsasabi na sa kanya na "ang landi naman nun", " ai pokpok ba 'teh?", at kung ano-ano pang paglalapastangan sa pagkatao niya, ng dahil lang sa SUOT NIYANG DAMIT. Hindi ba't kahiya-hiya yung ugali natin na ganun? Wala naman tayong karapatan para husgahan yung tao. HINDI natin siya kilala kaya wag sana tayong magbitaw ng salitang below the belt. Kung kayo kaya yung nasa kalagayan niya? hindi ba masasaktan kayo at magagalit? Respeto lang naman po. Nasa tao lang din naman kasi kung bibigyan niyo ng libog o malisya kapag nakakita kayo ng taong may suot ng maikling damit eh.
Ilagay mo yung sarili mo sa kalagayan ng ibang tao bago ka magsabi o magdaldal ng kung ano-ano. Isipin mo kung ano yung mararamdaman mo kung gawin sayo o sabihin sayo yung mga bagay na sinabi mo. Kahit nga isipin mo yun, minsan mas masakit pa din kapag ikaw yung nasa actual na sitwasyon. Kaya ingat, iwasan mo sana makasakit ng kapwa ng dahil dyan sa isip mong mapang husga at sa dila mong matalim ang tabas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento