Kung ako ang tatanungin mo, siguro kung nung isang araw mo ko tinanong ang isasagot ko sayo,
"wala talagang forever, dahil ang tao hindi mabubuhay ng ganun katagal kaya kalokohan ang maniwala sa kanya kapag sinabi niya sayo na kaya ka niyang mahalin forever and ever"
pero kung ngayon mo ako tatanungin my answer would be different, it would be like this,
" OO, tama nga sila na walang tao ang kayang mabuhay ng forever, pero naisip ko LOVE can stay in this world forever. Yung pagmamahal mo para sa isang tao, kapag naiparamdam mo ng tama kahit kailan hindi yun mawawala, hinding-hindi ka makakalimutan ng tao o mga tao na napakitahan mo ng LOVE lalo na ng unconditional love. Dumating man yung araw na mawala ka na sa mundo katulad ng ibang nauna na, your intimate relationship with those people you love nung nabubuhay ka pa ay hinding hindi magwawakas kahit na ibaon ka man 6 feet underground at kalaunan ay maagnas ka, yung LOVE and those great moments that you had once share with the people dear to your heart would always stay on those people's memories. Kaya dun ko masasabi na tama din sila, kaya ka palang mahalin ng isang tao ng forever, dahil ang love kapag totoo talaga yan, hindi yan namamatay na katulad ng tao. Walang expiration date, walang maturity date dahil yan ay infinite. walang kataupusan. endless."
Bakit biglang nagbago ako ng isip? Hindi dahil sa balimbing ako, pero sadyang sa buhay madaming pagbabago. Maaring masaya ako ngayon pero bukas hindi na. May mga bagay tayong matututunan ng isang iglap lang at hindi natin inaasahan pero minsan naman may mga bagay na kahit paulit-ulit na nating napagdadaanan hindi pa din tayo matuto-tuto. Tulad ng opinyon ng kahit na sinong tao, madalas bigla bigla na lang yan nagbabago.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento