Huwebes, Disyembre 29, 2011

Loving Desperately

I am a fan of chick flicks, romance movies or what ever people call them. I love watching people fall madly inlove,get married and have an hapily ever after, just like those fairytales that I had grown up watching.
It's very moving and inspiring, but all of it are just sugar coated lies. I believed in it too much that eventually my mind had set this impossible expectations about guys. I had created the ideal guy in my imagination, I imagine that guy to understand me, that he would express his feelings to me without having any problems about it and I expected him to go with me anywhere, everytime. From my past experiences, well I can't argue with the fact that those guys that I had this special connections with are really keeping up with my expectations, but there is a huge catch, because all of those awesome conversations, sweet lines and heart melting promise never lasts. One day, I had completely fallen under their love spells then as immature as I was before I'll blurt out the 3 crushing words (I love you), I never thought twice about them, I always fall inlove too much and too soon. Why? It's because that's what happens in the movies that I watched, when they feel it they say it, then everything will be fine. And I'm stupid enough to believe that it would be that easy in real life. I later on learned that relationships are very complicated, I love you is not an assurance because some people in the world of romance are very good in lying and in taking advantage. Once you said "I love you" to the wrong person and/or at the wrong time you're heart will end up crushed on the floor. So you really have to be very careful.

now, I had realized how desperate I had been because of being a chick flicks and romance movies junkie. I had devaluated my own self because of those stupid beliefs and I had made a fool out of myself. The heart breaking part is not when every single person whom I had told I love you, toyed with me around and then eventually left. It's actually the part when I let those jerks and scumbags get into me, I let them to make me do it to myself, oh no scratch that,  I did this to myself. I felt unworthy, stupid, desperate, degraded and unloved.

I inflicted a huge damage to my self but I have a good news for those who care.
"I now knew how stupid I have been, I will never be that desperate anymore, I won't chase anyone anymore, I won't expect from anyone anymore, I now know when to draw the line and to say 'enough' when I had enough, I won't base my life on crappy movies and fairytales anymore, I'll create my own happy ending. I'm getting better, stronger but still recovering. slowly recovering. "

Huwebes, Setyembre 22, 2011

Different kinds of people in love

Sabi nila there are different kinds of love, iba't-ibang klase din ang uri ng love story na maririnig natin na mula din sa iba't-ibang klase ng tao. Walang love story ang naging magkaparehas, unique ang bawat isa. Tulad ng finger prints ng isang tao.

Ilan sa mga uri ng tao when it comes to love;

WE DON'T DESERVE IT.
yan yung mga tipo ng tao na naniniwalang naging masyado silang masama sa buhay nila. Iniisip nila na wala silang karapatan para sa totoong pagmamahal. Kaya kapag nakakita sila ng tao na mamahalin sila ng totoo, they would let the person go. Kasi nga daw they don't deserve to happy and to be loved that much.
I WOULD DO ANYTHING.
sila yung mga bigay todo. Swerte mo kapag may nahanap kang tulad nila. Kapag mahal nila ang isang tao, ginagawa nila lahat para maipakita sa tao na yun ang pagmamahal nila. Kadalasan nga lang sila yung mga taong iniiwan, inaabuso at tinitake for granted.
 I'M NOT YET READY
dalawang klase yan ng tao. Yung mga hindi pa handa dahil natatakot silang masaktan, lokohin o maiwanan sa huli at yung mga tao na hindi pa handang magmahal ng isang tao lang. Katwiran nila, "masyado pa akong bata para magseryoso."
 Ilan lang yan sa mga uri ng tao when it comes to love. Kanya-kanyang paniniwala at dahilan sa ilalim ng iisang konsepto.

Lunes, Setyembre 19, 2011

No Lovelife?, Love Life.

Marami naman ngayon sa atin ang walang love life. Yung mga tao na part ng populatuion na nabibilang sa loveless, bigo, sawi at kung ano-ano pang tawag sa ganyang klase ng tao. Pero kung ako ang tatanungin, hindi naman dapat ikalungkot kung wala ka man partner sa ngayon sa buhay mo. Hindi naman yun yung sukatan ng buhay at nang pagiging masaya mo.

Madami naman kasing klase nang pagmamahal, andyan yung pagmamahal sa pamilya, sa mga kaibigan , sa komunidad na ginagalawan mo at syempre wag mo din kakalimutan na paglaanan ng pagmamahal yung sarili mo

OO alam ko naman na masakit yung iwanan tayo ng boyfriend/girlfriend natin o kahit na yung paasahin at saktan tayo ng taong mahal natin. Damang-dama ko yan. Sobrang nakakaputang-ina yung feeling, pero wala na tayo magagawa. Umiyak ka man ng maghapon at magdamag diyan kung wala na talaga tanggapin mo na lang. Sayang lang kasi yung luha at pagddrama mo.

Imbis na magmukmok ka at magpaka bitter, bakit hindi mo na lang pagtuunan ng pansin yung mga tao na laging andyan para sayo? Yung mga taong walang sawa sa drama at pagrereklamo kapag nasasaktan ka at iniiwan. Yung mga tao ba na yun, kahit minsan napagsabihin mo ng kahit simpleng "salamat" lang? Appreciate those people who had always been there for you, those people who love you,cares for you and fights for you. Sila naman yung bigyan mo ng importansya at panahon, Ibalik mo naman sa kanila yung effort na binibigay nila sayo in your darkest days. Makikita mo, unlike nung bf/gf mo na sinaktan ka pa, sa kanila walang masasayang.

Simpleng bagay lang naman ang kailangan mong gawin para ipakita na naappreciate mo yung pagdamay at pagpapahalaga sayo nung mga tao na yun. Hindi kailangan ng bonggang gift o surprise party. Simpleang thank you na may hug lang o kaya kahit libre mo lang sila ng mirienda na nabibili sa tindahan sa kantp. Ang importante nagpasalamat ka at naipakita mo na alam mo at ramdam yung effort at pagpapahalaga nila sayo.

Tandaan mo: kung naghiwalay man kayo ng bf/gf mo hindi pa katapusan ng mundo. Umiyak ka dahil masakit, pero tama na yung minsanan na pag-iyak. Kailangan mong ipagpatuloy ang iyong buhay, bumangon ka araw-araw kahit mahirap. Madami pang rason para mabuhay at maging masaya, ibukas mo lang ang iyong mga mata.

Martes, Setyembre 6, 2011

Karamihan sa mga tao na kakilala ko ngayon, don't believe in forever and in the concept of happily ever after anymore. Bakit? marahil, dahil na rin yun sa kagagawan ng ilang tao na kahit kailan hindi talaga naniwala sa konseptong ito, kumbaga naging chain reaction na, naapektuhan yung paniniwala ng mga tao dahil sa minsan sa buhay nila mayroon silang nakilala na bumago dito. Yung taong, maaring nanakit sa kanila o maaring iniwan sila sa fairytale na kinalalagyan nila.

Kung ako ang tatanungin mo, siguro kung nung isang araw mo ko tinanong ang isasagot ko sayo,
"wala talagang forever, dahil ang tao hindi mabubuhay ng ganun katagal kaya kalokohan ang maniwala sa kanya kapag sinabi niya sayo na kaya ka niyang mahalin forever and ever" 

pero kung ngayon mo ako tatanungin my answer would be different, it would be like this,

" OO, tama nga sila na walang tao ang kayang mabuhay ng forever, pero naisip ko LOVE can stay in this world forever. Yung pagmamahal mo para sa isang tao, kapag naiparamdam mo ng tama kahit kailan hindi yun mawawala, hinding-hindi ka makakalimutan ng tao o mga tao na napakitahan mo ng LOVE lalo na ng unconditional love. Dumating man yung araw na mawala ka na sa mundo katulad ng ibang nauna na, your intimate relationship with those people you love nung nabubuhay ka pa ay hinding hindi magwawakas kahit na ibaon ka man 6 feet underground at kalaunan ay maagnas ka, yung LOVE and those great moments that you had once share with the people dear to your heart would always stay on those people's memories. Kaya dun ko masasabi na tama din sila, kaya ka palang mahalin ng isang tao ng forever, dahil ang love kapag totoo talaga yan, hindi yan namamatay na katulad ng tao. Walang expiration date, walang maturity date dahil yan ay infinite. walang kataupusan. endless."

Bakit biglang nagbago ako ng isip? Hindi dahil sa balimbing ako, pero sadyang sa buhay madaming pagbabago. Maaring masaya ako ngayon pero bukas hindi na. May mga bagay tayong matututunan ng isang iglap lang at hindi natin inaasahan pero minsan naman may mga bagay na kahit paulit-ulit na nating napagdadaanan hindi pa din tayo matuto-tuto. Tulad ng opinyon ng kahit na sinong tao, madalas bigla bigla na lang yan nagbabago.

Linggo, Agosto 28, 2011

What you wear

Sabi ng iba "what you wear is who you are", I disagree with that thought. Kasi paano naman yung mga taong mahilig mag-experimento sa kanilang damit? O yung mga tao na kinakailangan isuot ang isang uri ng damit dahil parte ito ng kanilang trabaho? tulad ng mga models o kaya yung mga promo girls. Hindi ba't ang babaw naman ata na huhusgahan agad natin ang isang tao base lamang sa panlabas na anyo or worst pa nga sa kung ano ang kanyang suot na damit? Para ka na ding nagjudge ng book base sa cover nito.

Karamihan kasi sa atin, kapag nakita natin yung isang babae na nakasuot ng medyo daring na damit tulad ng shorts or mini skirts, pinuputakte na agad natin yung tao ng panghuhusga at panlalait. Gaano kababaw yun diba? DAMIT lang yun ah. Suot lang niya, pero panigurado may magsasabi na sa kanya na "ang landi naman nun", " ai pokpok ba 'teh?", at kung ano-ano pang paglalapastangan sa pagkatao niya, ng dahil lang sa SUOT NIYANG DAMIT. Hindi ba't kahiya-hiya yung ugali natin na ganun? Wala naman tayong karapatan para husgahan yung tao. HINDI natin siya kilala kaya wag sana tayong magbitaw ng salitang below the belt. Kung kayo kaya yung nasa kalagayan niya? hindi ba masasaktan kayo at magagalit? Respeto lang naman po. Nasa tao lang din naman kasi kung bibigyan niyo ng libog o malisya kapag nakakita kayo ng taong may suot ng maikling damit eh.

Ilagay mo yung sarili mo sa kalagayan ng ibang tao bago ka magsabi o magdaldal ng kung ano-ano. Isipin mo kung ano yung mararamdaman mo kung gawin sayo o sabihin sayo yung mga bagay na sinabi mo. Kahit nga isipin mo yun, minsan mas masakit pa din kapag ikaw yung nasa actual na sitwasyon. Kaya ingat, iwasan mo sana makasakit ng kapwa ng dahil dyan sa isip mong mapang husga at sa dila mong matalim ang tabas.

Sabado, Agosto 27, 2011

Be heard.

Mayroon tayong boses, hindi ito binigay sa atin para lamang mangutya tayo ng kapwa o para magsalita tayo ng mga bagay na yuyurak o makakadumi sa pagtao ng ating kapwa. Makapangyarihan ang bawat salitang iyong binibitawan. Permanente at malalim ang sugat na maaring idulot nito. Kaya maging wais at maingat sa pagbibitiw ng mga salita tungkol sa iyong kapwa. Iwasan nating magsalita o magbigay ng pahayag na base sa ating emosyon o base lamang sa mga salitang naririnig natin mula sa iba.

Mainam na gamitin mo ang kapangyarihan ng salita sa pagbibigay boses sa iyong mga opinyon at saloobin ngunit siguraduhin na isinasaalang-alang pa din natin ang respeto. Maaaring hindi maging maganda ang magiging opinyon natin tungkol sa isang tao o bagay pero siguraduhin natin na inilahad mo ito sa paraang hindi ka mapagkakamalan na walang pinag-aralan. Linawin mo na opinyon mo lamang ang iyong binitawan at ang opinyon mo ay hindi naman nagbibigay kahulugan na ito ang tama.

Gamitin mo din ang kapangyarihan ng salita upang magbigay inspirasyon sa iyong kapwa. Madaming tao sa paliid natin ang may kanya-kanyang pinagdadaanan sa kasalukuyan. Mainam na mabigyan mo sila ng pag-asa, payo o yung tinatawag na "words of wisdom" upang gumaan ang kanilang pakiramdam at malinawan ang nahihirapan at naguguluhan nilang kaisipan. 

Ang salita, ay maaring bumago sa pananaw ng ng isang tao. Lalo na kung naipahayag mo ito sa paraang nagdulot sa kanila na maramdaman at maunawaan ang bagay na nais mong ipabatid dito. Dahil sa mga letra,salita at lipon ng salita, binago Rizal ang takbo ng lipunan. Nakamit ng bayan ang pagbabago at kalayaan. Sana, tulad niya gamitin mo din ito sa maganda at kapakipakinabang na paraan. Maaring isa ka lamang sa milyon-milyong kabataan, pero kung sisimulan mong manindigan malayo ang mararating mo, malawak ang maapektuhan mo. MAAARI MONG SIMULAN ANG INAASAM NA PAGBABAGO.