Linggo, Agosto 28, 2011

What you wear

Sabi ng iba "what you wear is who you are", I disagree with that thought. Kasi paano naman yung mga taong mahilig mag-experimento sa kanilang damit? O yung mga tao na kinakailangan isuot ang isang uri ng damit dahil parte ito ng kanilang trabaho? tulad ng mga models o kaya yung mga promo girls. Hindi ba't ang babaw naman ata na huhusgahan agad natin ang isang tao base lamang sa panlabas na anyo or worst pa nga sa kung ano ang kanyang suot na damit? Para ka na ding nagjudge ng book base sa cover nito.

Karamihan kasi sa atin, kapag nakita natin yung isang babae na nakasuot ng medyo daring na damit tulad ng shorts or mini skirts, pinuputakte na agad natin yung tao ng panghuhusga at panlalait. Gaano kababaw yun diba? DAMIT lang yun ah. Suot lang niya, pero panigurado may magsasabi na sa kanya na "ang landi naman nun", " ai pokpok ba 'teh?", at kung ano-ano pang paglalapastangan sa pagkatao niya, ng dahil lang sa SUOT NIYANG DAMIT. Hindi ba't kahiya-hiya yung ugali natin na ganun? Wala naman tayong karapatan para husgahan yung tao. HINDI natin siya kilala kaya wag sana tayong magbitaw ng salitang below the belt. Kung kayo kaya yung nasa kalagayan niya? hindi ba masasaktan kayo at magagalit? Respeto lang naman po. Nasa tao lang din naman kasi kung bibigyan niyo ng libog o malisya kapag nakakita kayo ng taong may suot ng maikling damit eh.

Ilagay mo yung sarili mo sa kalagayan ng ibang tao bago ka magsabi o magdaldal ng kung ano-ano. Isipin mo kung ano yung mararamdaman mo kung gawin sayo o sabihin sayo yung mga bagay na sinabi mo. Kahit nga isipin mo yun, minsan mas masakit pa din kapag ikaw yung nasa actual na sitwasyon. Kaya ingat, iwasan mo sana makasakit ng kapwa ng dahil dyan sa isip mong mapang husga at sa dila mong matalim ang tabas.

Sabado, Agosto 27, 2011

Be heard.

Mayroon tayong boses, hindi ito binigay sa atin para lamang mangutya tayo ng kapwa o para magsalita tayo ng mga bagay na yuyurak o makakadumi sa pagtao ng ating kapwa. Makapangyarihan ang bawat salitang iyong binibitawan. Permanente at malalim ang sugat na maaring idulot nito. Kaya maging wais at maingat sa pagbibitiw ng mga salita tungkol sa iyong kapwa. Iwasan nating magsalita o magbigay ng pahayag na base sa ating emosyon o base lamang sa mga salitang naririnig natin mula sa iba.


Mainam na gamitin mo ang kapangyarihan ng salita sa pagbibigay boses sa iyong mga opinyon at saloobin ngunit siguraduhin na isinasaalang-alang pa din natin ang respeto. Maaaring hindi maging maganda ang magiging opinyon natin tungkol sa isang tao o bagay pero siguraduhin natin na inilahad mo ito sa paraang hindi ka mapagkakamalan na walang pinag-aralan. Linawin mo na opinyon mo lamang ang iyong binitawan at ang opinyon mo ay hindi naman nagbibigay kahulugan na ito ang tama.


Gamitin mo din ang kapangyarihan ng salita upang magbigay inspirasyon sa iyong kapwa. Madaming tao sa paliid natin ang may kanya-kanyang pinagdadaanan sa kasalukuyan. Mainam na mabigyan mo sila ng pag-asa, payo o yung tinatawag na "words of wisdom" upang gumaan ang kanilang pakiramdam at malinawan ang nahihirapan at naguguluhan nilang kaisipan. 


Ang salita, ay maaring bumago sa pananaw ng ng isang tao. Lalo na kung naipahayag mo ito sa paraang nagdulot sa kanila na maramdaman at maunawaan ang bagay na nais mong ipabatid dito. Dahil sa mga letra,salita at lipon ng salita, binago Rizal ang takbo ng lipunan. Nakamit ng bayan ang pagbabago at kalayaan. Sana, tulad niya gamitin mo din ito sa maganda at kapakipakinabang na paraan. Maaring isa ka lamang sa milyon-milyong kabataan, pero kung sisimulan mong manindigan malayo ang mararating mo, malawak ang maapektuhan mo. MAAARI MONG SIMULAN ANG INAASAM NA PAGBABAGO.