Marami naman ngayon sa atin ang walang love life. Yung mga tao na part ng populatuion na nabibilang sa loveless, bigo, sawi at kung ano-ano pang tawag sa ganyang klase ng tao. Pero kung ako ang tatanungin, hindi naman dapat ikalungkot kung wala ka man partner sa ngayon sa buhay mo. Hindi naman yun yung sukatan ng buhay at nang pagiging masaya mo.
Madami naman kasing klase nang pagmamahal, andyan yung pagmamahal sa pamilya, sa mga kaibigan , sa komunidad na ginagalawan mo at syempre wag mo din kakalimutan na paglaanan ng pagmamahal yung sarili mo
OO alam ko naman na masakit yung iwanan tayo ng boyfriend/girlfriend natin o kahit na yung paasahin at saktan tayo ng taong mahal natin. Damang-dama ko yan. Sobrang nakakaputang-ina yung feeling, pero wala na tayo magagawa. Umiyak ka man ng maghapon at magdamag diyan kung wala na talaga tanggapin mo na lang. Sayang lang kasi yung luha at pagddrama mo.
Imbis na magmukmok ka at magpaka bitter, bakit hindi mo na lang pagtuunan ng pansin yung mga tao na laging andyan para sayo? Yung mga taong walang sawa sa drama at pagrereklamo kapag nasasaktan ka at iniiwan. Yung mga tao ba na yun, kahit minsan napagsabihin mo ng kahit simpleng "salamat" lang? Appreciate those people who had always been there for you, those people who love you,cares for you and fights for you. Sila naman yung bigyan mo ng importansya at panahon, Ibalik mo naman sa kanila yung effort na binibigay nila sayo in your darkest days. Makikita mo, unlike nung bf/gf mo na sinaktan ka pa, sa kanila walang masasayang.
Simpleng bagay lang naman ang kailangan mong gawin para ipakita na naappreciate mo yung pagdamay at pagpapahalaga sayo nung mga tao na yun. Hindi kailangan ng bonggang gift o surprise party. Simpleang thank you na may hug lang o kaya kahit libre mo lang sila ng mirienda na nabibili sa tindahan sa kantp. Ang importante nagpasalamat ka at naipakita mo na alam mo at ramdam yung effort at pagpapahalaga nila sayo.
Tandaan mo: kung naghiwalay man kayo ng bf/gf mo hindi pa katapusan ng mundo. Umiyak ka dahil masakit, pero tama na yung minsanan na pag-iyak. Kailangan mong ipagpatuloy ang iyong buhay, bumangon ka araw-araw kahit mahirap. Madami pang rason para mabuhay at maging masaya, ibukas mo lang ang iyong mga mata.